Home / Sections / Balitang Artista / Sharon Cuneta criticized for making her yayas wear uniform; Megastar answers

Sharon Cuneta criticized for making her yayas wear uniform; Megastar answers

Hindi pinalampas ni Sharon Cuneta ang pambabatikos ng ilang netizens sa ibinahagi nitong litrato kung saan nakasuot ng uniform ang dalawa niyang kasambahay habang kumakain sa isang restaurant.

Komento ng netizen, “Ang panget lang sa public na kasuot ng uniform ang mga yaya dapat walang uniform ang mga yaya.”

May isa ring nagkomento na hindi magandang pakinggan ang pagtawag ng “yaya” sa isang kasambahay.

Depensa ni Sharon, hindi sukatan ang pagpapasuot niya ng uniporme o ang pagtawag ng “yaya” sa kanyang mga kasambahay sa kung paano niya tratuhin ang mga ito.

Karamihan daw sa mga nagtrabaho sa kanilang pamilya ay nagtatagal ng mahigit isang dekada, kaya kapamilya na rin ang turing ng Megastar sa mga ito.

“Maybe those who find it not nice that our yayas wear uniforms in public should meet them somehow and ask them how they are treated by me!”

Ipinaliwanag din ni Sharon na sa Pilipinas lang niya pinagsusuot ng uniform ang kanyang mga kasambahay.

Pero kapag namamasyal daw sila sa ibang bansa ay nakasuot ang mga ito ng casual wear.

Ang pagdala niya sa mga kasambahay sa kanyang mga bakasyon abroad ay ilan lamang umano sa perks na nae-enjoy ng kanyang mga yaya.

Dire-diretsong pahayag ni Sharon (published as is):

“I’m so sorry you think that way. I guess if I have to explain it to you pa, that means you won’t understand.

“When not in the Philippines – and I have taken one to four yayas abroad – and when I say abroad, I mean places like Hong Kong, Bangkok, Chiang Mai, and beach cities in Thailand, Ho Chi Minh in Vietnam, Tokyo, Osaka (including Universal Studios and Disneyland), Los Angeles, Las Vegas, San Francisco, New York, Boston, Washington D.C., Florida (including Disneyworld), Paris (including Disneyland), London, Milan, Rome, Florence, Vienna, Zurich, etc., etc. – they do not have to wear uniforms but whatever clothes they wear, and whatever shirts or jackets and souvenirs I buy for them, and the few hundred dollars EACH that I gift them with for their personal allowance to spend or to save – whatever they decide – and where they eat together with us the same food our family eats, free tickets to some of the best seats at Broadway shows in New York that even my management team envies, and where my Yayas are treated like family.

“Not a bad exchange for giving me and my family some decent representation in The Philippines, I think.”

Halimbawa na lang daw ang “loyal driver” ni Sharon na mahigit 30 years nang naninilbihan sa kanilang pamilya.

“At pati pala ang loyal driver ko of 30 plus years na si Nelson whom I fondly call ‘Dodong’ – kasama siya sa lahat ng places na sinabi ko sa U.S. at Europe but not anywhere in Asia except yata when I had a concert in HK?

“Astig yan si ‘Dudung’ ko! Hahaha! Minsan pag mahal ang restaurant na kinakainan namin, niloloko ko sinasabi ko sa waiter sya ang magbabayad!”

artista2

About administrator

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top